Agad na naglabas ng paliwanag at opisyal na pahayag ang Presidential Security Group (PSG), sa pangunguna ni PSG commander Maj. Gen. Nelson Morales, kaugnay ng kritisismong dulot ng paggamit ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos sa presidential helicopter upang makarating sa concert ng British rock band na "Coldplay" sa Philippine Arena, Bulacan nitong Sabado ng gabi, Enero 20.

Ayon kay Morales, tiniyak lamang daw ng PSG ang seguridad ng Pangulo at Unang Ginang dahil sa dagsa ng mga tao sa concert, na tinatayang umabot sa 40,000 individuals.

“Yesterday, the Philippine Arena experienced an unprecedented influx of 40,000 individuals eagerly attending a concert, resulting in unforeseen traffic complications along the route,” aniya.

“Recognizing that this traffic situation posed a potential threat to the security of our President, the PSG took decisive action by opting for the presidential chopper."

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"This decision not only ensured the safety of our leader but also exemplified our commitment to prioritizing security in the face of unexpected challenges."

"Your continued understanding and support for these measures are crucial in maintaining the safety and well-being of our nation's leadership."

Mababasa sa official statement sa Facebook page ng Presidential Communications Office.

Samantala, maging si Coldplay frontman Chris Martin ay napamura din sa heavy traffic na nasaksihan niya sa concert venue, sa harap mismo ni PBBM.

Ani Chris, "I think we’ve seen some traffic, but I think you have number one in the world, so thank you for making the effort to come through all of that holy sh*t to be here."

MAKI-BALITA: PBBM, gumamit daw ng presidential chopper papuntang Coldplay concert?

MAKI-BALITA: Dinig mismo ni PBBM: Pinas number 1 daw sa traffic sey ni Chris Martin