Naghain umano ang Television and Production Exponents Inc. (TAPE) ng isang petisyon para sa temporary restraining order (TRO) at preliminary mandatory injunction sa desisyon ng isang korte sa Marikina kaugnay ng pagpanig sa TVJ para magamit nila ang "Eat Bulaga" trademark.

Matatandaang agad na ginamit ng dating "E.A.T" ang "EAT... Bulaga!" nang lumabas ang desisyon ng korte tungkol sa pamagat ng kanilang show, kaya napalitan na rin ang titulo ng noontime show sa GMA Network na "Tahanang Pinakamasaya."

Ayon sa ipinadalang mensahe ng legal counsel ng TAPE na si Atty. Maggie Garduque sa GMA News Online, ang naunang desisyon daw ay "blatant violation of the rules and the disrespect of the jurisdiction of the IPO on the pending trademark cases."

Ang complaint lang daw ng TVJ ay tungkol sa "copyright infringement" at "unfair competition" nang i-ere daw ng network ang mga dating episodes ng Eat Bulaga.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sey raw ng abogado, "What is needed is for the court to decide if TVJ and Ferre have copyright ownership over these audio-visual recordings of past episodes of ‘Eat Bulaga’ to rule whether copyright infringement and unfair competition are committed. The issue on trademark ownership and cancellation is irrelevant and off-tangent in this case."

Samantala, wala pang pahayag o tugon ang kampo ng TVJ kaugnay sa isyu.

MAKI-BALITA: TVJ, nanalo sa ‘EB’ trademark case vs. TAPE

MAKI-BALITA: ‘Eat Bulaga’ ng TAPE sumuko na, nagbago na ng pangalan