Tila patuloy umanong lumalala ang kalagayan ng kalusugan ni “Queen of All Media” Kris Aquino.

Sa latest episode kamakailan ng “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” o OOTD, isang showbiz-oriented vlog, isiniwalat ni Chaps Manansala kay Jobert Sucaldito ang nasagap niyang balita tungkol kay Kris mula sa mga kaibigang taga-Los Angeles, California.

“Nay, ang totoo, parang dumoble ang kaniyang dose…na kung saan ay double dose na ang kaniyang chemotherapy,” kuwento ni Chaps.

“Pero baby chemo lang naman ‘yon, Nay. Parang iinumin niya lang. Oral lang na baby chemo…At least hindi naman malalagas ang buhok niya. Ang totoong sakit niya ay EGPA. Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis,” aniya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nagulat naman si Jobert sa balitang ito ng co-host niyang si Chaps dahil akala raw niya ay bumubuti na ang kalagayan ni Kris. 

Pero ayon kay Chaps: “Sabi ng nurse na nakausap ko, wala raw po talagang gamot sa EGPA. Nag-aattack siya ng multi-system e. Kaya dapat multi-disciplinary approach. Ibig sabihin, iba-ibang mga eksperto ng doktor ang magko-collab at titingin sa kaniya every now and then.” 

Matatandaang napaulat noong Oktubre 2023 na tila bumubuti na ang kalagayan ni Kris batay sa ibinigay niyang update tungkol sa kaniyang kalusugan.

MAKI-BALITA: Kris Aquino, bumubuti ang kalagayan?

Sa kasalukuyan, habang isinisulat ang artikulong ito, wala pang pahayag, reaksiyon, o tugon ang kampo ni Kris tungkol sa bagay na ito.