Winasak ng militar ng Estados Unidos ang anti-ship missile ng Houthi rebels na paliliparin na sana patungong Gulf of Aden nitong Sabado.

"United States (U.S.) CENTCOM Destroys Houthi Terrorists' Anti-Ship Missile as part of ongoing efforts to protect freedom of navigation and prevent attacks on maritime vessels, on Jan. 20 at approximately 4 a.m. (Sanaa time), U.S. Central Command forces conducted airstrikes against a Houthi anti-ship missile that was aimed into the Gulf of Aden and was prepared to launch," ayon sa X post ng US Central Command (CENTCOM).

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Katwiran ng militar ng U.S., banta sa mga barkong pangkalakal at U.S. Navy ships ang pananatili ng anti-ship missile sa region.

Sinabi ng U.S. forces na ipinagtanggol lamang nila ang kanilang sarili laban sa Houthi.

Ang insidente ay nangyari sa gitna ng tumitinding tensyon sa Red Sea at Gulf Aden na nakagambala sa kalakalang pandaigdig.

Isinagawa ang airstrike bilang bahagi ng sunud-sunod na pag-atake ng U.S. forces laban sa Houthi na nagsimula pa nitong Enero 12.

Nauna nang ipinahayag ni U.S. President Joe Biden na layunin ng kanilang pag-atake na na pahinain ang kakayahan ng Houthi na magsagawa ng paglusob sa mga barko ng Amerika sa Red Sea.

Kamakailan, inatake na ng Houthi ang mga commercial ship sa Red Sea kasabay ng pagbabanta na lulusubin pa nila ang lahat ng barkong Israel na dadaan sa nasabing lugar.

Idinagdag pa ng Houthi, ang mga pag-atake ay bilang suporta sa mga Palestinian na nakikipaglaban pa rin sa mga sundalo ng Israel sa Gaza.

PNA