Trending na sa social media ang pagbigkas ng "Nice, Ganda" ni Anne Curtis habang nagkukulitan sila nina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro sa "EXpecially For You" segment ng kanilang noontime show na "It's Showtime."
Hindi namalayan ni Anne na ang pinabibigkas pala sa kaniya ni Vice ay tagline nito sa commercial ng "McDonalds Philippines," ang espesyal na commercial nilang dalawa ni "EAT... Bulaga!" host Paolo Ballesteros.
Si Anne, ay endorser ng karibal na fast food chain ng McDo na "Jollibee" habang ang co-host naman nilang si Kim Chiu na nagpapagaling mula sa Covid-19 ay endorser ng Chowking.
Nang mabigkas na ni Anne ang "Nice Ganda" saka lang parang nag-sink in sa kaniya na hindi niya dapat binigkas ang tagline.
"Ayyy! Bad 'yon sa 'kin! Sorry po! Pasensya na po kayo," paghingi ng paumanhin ni Anne sa hindi tinukoy na mga tao, subalit mahihinuhang sa pamunuan ng kompanyang nagtiwala sa kaniya.
Tawang-tawang salag naman ni Vice, "Bakit ka nag-sorry? Wala ka naman sinabing masama?"
"Kapag nawalan ako ng kontrata... Pasensya na po kayo. Hindi ko sinasadya. Lapse of judgement sorry," sundot pa ni Anne.
"Pumuri ka lang naman ng sitwasyon nila. Nice naman 'yong sitwasyon," pagtatanggol naman ni Vice, na ang tinutukoy ay patungkol sa kanilang guests na nakasalang sa segment.
"Maganda naman talaga. Pero pasensya na po. Ikaw talaga. Kapag ako nawalan bayaran mo 'yon. Kasi pag siningil ako doon ng ano... sige, sige. For sure trending ito at kakalat na naman ito."
"Baka makatanggap ako ng warning, girl..." nakangiti pang sey ni Anne.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.
"Hahahahaha halatang na off si Anne. Multi million worth of contract pa naman yan hahaha 😭😭."
"TBH di naman ganun ka popular yung 'nice ganda' kung hindi pa dahil dto sa video na to dko pa malalaman na bagong ad pla sya ng mcdo."
"galing ni vice pero kapag sya tinitira nagagalit haaayst. halata yung worry ni anne"
"Meme @vicegandako naman ihh! Love namin kayong lahat specially ikaw. sana ingatan nyo ang isa’t isa pag dating sa mga endorsement nyo. Kasi we support you both side. Sana wag ng maulit to, kinabahan ako for Ms. @annecurtissmith."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay trending na sa X ang Jollibee at McDo.
MAKI-BALITA: ‘Baka makatanggap ng warning?’ Anne windang sa nabigkas dahil kay Vice Ganda
Dahil nga trending na sa X ang nangyari, agad na nag-post ang dalawa sa social media at ipinaliwanag nilang okay silang dalawa at walang sama ng loob si Anne kay Vice.
Marami kasi ang tila "pinagsasabong" ang magkaibigan at co-host at marami rin ang nag-alala para sa endorsement ni Anne na multi-million daw ang halaga.
Sey ni Anne sa X post, "Morning everyone. Guys, kalma. No need for such negative energy. Vice and I are fine. It was a lapse of judgment on both sides. At least we can move forward and be keyrfuul. Ganyan ang biriun backstage but syempre dapat iba pag on air. Kaya kalma. It’s a beautiful day. Gawin na lang #BidaAngSaya every day! ✨HAHAHAHA!"
https://twitter.com/annecurtissmith/status/1748903035676574129
Niretweet naman ito ni Vice.
"Ang kj mo! Ok yan para trending! Chozzz!!! But yes it was lapse of judgement. It was our usual 'brandagulan' moment na late nya narealize so nasabi nya ung tagline ng di nya namalayan. I apologized to her And pinagtawanan n lng namin. Our sisterhood will always be Nice Ganda!"
https://twitter.com/vicegandako/status/1748919223135678792
Samantala, wala pa namang pahayag ang management ng Jollibee kung "something serious" ba ito para sa kanila.