Ibinahagi ni Kapamilya star Andrea Brillantes ang nabuo niyang ugnayan sa ilang co-stars niya sa katatapos lang na “Senior High” na isang youth-oriented series.

Sa eksklusibong panayam ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe nitong Sabado, Enero 20, inusisa niya kung paano ang naging role nina Angel Aquino at Kean Cipriano sa paggabay at pagsuporta kay Andrea. 

“Actually, lalo na si Kuya Kean, lagi niyang sinasabi ‘O, kumusta ka? Galingan mo lang palagi, ha’. Lagi po lang niyang ipinapaalala sa akin na galingan ko lang; lagi niyang pinapa-brighten up lagi ‘yong mood ko. Si Miss Angel as well lagi lang niya akong kinukumusta,” kuwento ni Andrea.

Dagdag pa niya, pagdating sa trabaho ay nirerespeto nila ang boundary ng isa’t isa. Lagi raw silang focus lalo na sa mga emosyunal na eksena kahit paminsan-minsan ay nagkakabiruan sila.

National

Rep. Abante, binalaan si Harry Roque: ‘Justice will catch up to you!’

“Kahit si Kuya Kean na laging nagjo-joke nararamdaman ko talaga nale-lessen niya talaga…Minsan sa mga emotional scene, laging pinapagaan ni Kuya Kean lahat ng bagay. Super ko talaga siyang na-appreciate,” aniya.

Sa naunang bahagi kasi ng panayam, naitanong ni MJ kung kaninong co-stars sa nasabing teleserye pinaka-close si Andrea.

Ayon kay Andrea: “My mommy. Miss Angel Aquino po. Miss Angel Aquino and Kuya Kean Cipriano, my step dad doon sa show. ‘Yong family ko talaga.” 

“‘Yong bond ko po with them, para ko sila talagang naging tropa. Tropa, mommy, kuya, tito, tita. Nakakapag-open up po ako ng parang problems ko na minsan nahihiya akong i-open up minsan sa mom ko,” aniya.

Bukod pa rito, isiniwalat din ni Andrea sa parehong panayam kung paano niya nagawang i-handle ang kaliwa’t kanang batikos na natanggap sa mga huling buwan ng 2023.

MAKI-BALITA: Andrea, lumapit sa Diyos para sa ‘peace’