Dinagsa ng mga deboto ang tradisyunal na Solemn Foot Procession ng Venerable Image of Señor Sto. Niño upang magbigay-pugay sa imahen ng Santo Niño para sa pagdiriwang ng Sinulog Festival.

Sa social media post ng Department of Tourism (DOT), sinimulan ang 6-kilometer walk sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu, diretso sa V. Rama Avenue bago tumungo sa Osmeña Circle at pabalik sa basilica.

Tourism

Pasig River Esplanade, worth it nga bang puntahan?

"This annual event is held in honor of the image of Santo Niño, which draws millions of spectators worldwide as a showcase of Cebu's cultural heritage, faith, and unity," anang DOT.

Itatampok din ang Sinulog Grand Parade sa Cebu City Sports Complex at sa South Road Properties sa Linggo, Enero 21.

Nagpakalat na rin ng mga tauhan ang pulisya upang matiyak ang kaligtasan ng mga deboto.