Kinasuhan na si Seoul Metropolitan Police Agency chief Kim Kwang-ho kaugnay ng palpak na pagtugon sa naganap na stampede sa Halloween party sa Itaewon, South Korea noong 2022.

Isinagawa ang pagsasampa ng kaso matapos ang mahigit isang taon mula nang maganap ang trahedya noong Oktubre 29, 2022.

Noong Enero 2023, inirekomenda ng special police investigation team na usigin si Kim, kasama ang 22 iba pang police at rescue officials kaugnay ng insidente.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Kamakailan, isinampa ng Seoul Western District Prosecutor's Office ang reklamong negligence laban sa hepe ng Yongsan Police Station at hepe ng Yongsan Ward office at iba pang opisyal. Gayunman, hindi isinama si Kim sa naturang kaso.

Nagdesisyon naman ang prosecutor's office na hindi na kasuhan si dating Yongsan Fire Station chief Choi Seong-beom dahil wala umano itong kinalaman sa kaso.

PNA