Pinagbibitiw ni Surigao del Norte 1st district Rep. Robert Ace Barbers sa puwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles sa gitna ng nakadududa umanong mga pagkapanalo sa lotto sa bansa.
Ang naturang panawagan ni Barbers ay matapos pumutok ang kontrobersiya hinggil sa Facebook post ng PCSO kung saan makikita ang “edited photo” ng plain housewife mula sa San Jose Del Monte, Bulacan na kumubra ng tumataginting na mahigit ₱43 million sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City.
MAKI-BALITA: PCSO, aminadong edited ang viral photo ng lotto winner
Kaugnay nito, sa kaniyang pahayag nitong Sabado, Enero 20, iginiit ni Barbers na dapat daw alisin o magbitiw sa puwesto si Robles para “mapatay na ang apoy” ng naturang kontrobersiya.
“Public office is a public trust. When people have lost their trust in you, delicadeza at the very least should drive you to resign," ani Barbers.
“Was there a need to publish the pictures of the winning bettors? While there was none, PCSO GM Robles probably wanted to allay alleged rumors that some draws were not actually won and that the published winners were fictitious or staged, that he had to enlist the help of AI (artificial intelligence) technology," saad pa niya.
Samantala, binanggit ng mambabatas na hindi umano ito ang unang beses na magkaroon ng kontrobersiya sa lotto draw ng PCSO.
"Remember the ₱236-million lotto draw of Oct. 1, 2022 won by 433 bettors, under Robles’ watch. Was it real or fake? What are the mathematical odds?" aniya.
"Is the current manager a mathematician or a magician? What is his background and qualifications that earned him the position to manage an agency that raises billions upon billions in people’s money to be used for projects? Is he a finance expert?” pagkuwestiyon pa ni Barbers.
Ayon pa sa mambabatas, nararapat daw na ang pagkakaroon ng “integridad, katapatan, kakayahan, at kaalaman sa trabaho” ang maging kuwalipikasyon sa mga pampublikong opisyal.
“Now, a lot of agencies are in disarray due to incompetence of those at the helm," ani Barbers.
"While the President continues to effect changes for the betterment of public service, this agency should be in his priority list. The people want officials with integrity,” dagdag pa niya.
Kaugnay na Balita: