Tila hindi nagustuhan ng Kapuso comedienne na si Pokwang ang komento ng isang netizen tungkol sa kaniyang anak.

Binati kasi sa Instagram account ng ex-partner ni Pokwang na si Lee O’ Brian ang anak nilang si Malia sa kaarawan nito kamakailan.

National

'Carina,' mas lumakas pa; 3 lugar sa Luzon, nakataas sa Signal No. 1

View this post on Instagram

A post shared by Lee O'Brian (@leeobrian)

“Huwag kang mag alala Lee darating ang panahon si Malia mismo ang pupunta sayo,” komento ng isang netizen sa naturang post ni Lee.

Pumalag si Pokwang sa sinabing ito ng netizen: “Oo para sumbatan sya dahil di naman nagpaka ama sa socmed lang tse!”

Humakot naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa iba pang netizens ang sagutan ng dalawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“psssst! Dai. Apaka cute bg comment mo! Parang alam na alam mo ang future ni Malia ah. Asaan ang bolang krystal?”

“mieee wag magkalat ditey. Jusme.”

“@itspokwang27 Lungkot naman, birthday ng anak mo kahit dipa nia lubos maintindihan sana binigay mo nalang regalo eto greetings ng Daddy nia. Sayang pag dadasal mo kung ganito naman ugali mo. Iwasan mo mademonyo ka dapat forgiveness at pasasalamat sa diyos dahil may blessing kapa natatanggap.”

“@itspokwang27 atleast po wala na si pretender miss pokwang pa feeing innocent si lee min who?”

“@itspokwang27 tatay ng anak mo yan, wag mo turuang maging masaman bata ang anak mo, tandaan mo tatay parin nya yan, wag mo damay bata sa problema nyong dalawa.. ginusto mo yan eh.”

“Hahahaha go mamang 😂”

“Bakit naman naka bantay ka sa post ng ex mo?😂”

Matatandaang noong Disyembre 2023 ay nagbunyi si Pokwang dahil tuluyan nang pinadedeport si Lee.

MAKI-BALITA: Lee O’Brian pinadedeport na; Pokwang, nagbunyi