Isang magnitude 4.2 na lindol ang tumama sa probinsya ng Eastern Samar nitong Sabado ng madaling araw, Enero 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:21 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 26 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Hernani, Eastern Samar, na may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Quinapondan, EASTERN SAMAR, maging sa City of Catbalogan, SAMAR

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin umanong inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.