Nagsisilbi pa ring hamon sa Department of Transportation (DOTr) at sa iba pang ahensya ng gobyerno ang paghahanap ng long-term solution sa tumitinding problema sa trapiko sa Metro Manila.

Ito ang naging pahayag ni DOTr Secretary Jaime Bautista kasunod ng inilabas na pag-aaral ng multinational traffic data provider at location technology specialist na TomTom International na nagsasabing nangunguna ang Metro Manila sa may pinaka-matinding trapiko sa buong mundo.

Aniya, ang mga ginagawang transport infrastructure project ng pamahalaan ay kabilang lamang sa mga hakbang ng pamahalaan  upang matugunan ang lumalalang trapiko sa National Capital Region (NCR).

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Kaugnay nito, pinagdududahan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pamamaraan na ginamit sa pag-aaral ng nabanggit na transportation data company.

Ayon kay MMDA chief Romando Artes, sinabi ng kumpanya na tatagal ng 25 minuto sakaling bumiyahe ng 10 kilometro sa Metro Manila.

"First of all, we don't know the methodology employed by TomTom to say that Metro Manila is number one [worst in their Traffic Index ranking]," paliwanag pa ng opisyal nitong Biyernes.