Usap-usapan sa social media ang pagiging "certified Box-Office Queen" ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera matapos malagpasan ng "Rewind" ang local record ng "Hello, Love, Goodbye" nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, kaya maituturing nang "highest-grossing Filipino movie of all time" ang nabanggit na movie entry sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Bukod sa "naagawan" na raw ni Marian si Kathryn sa titulong ito, pati raw si "Queen of All Media" Kris Aquino ay mukhang maaagawan na niya dahil halos lahat daw ng titulo ay nakubra na ng misis ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Bukod daw kasi sa Primetime Queen ng Kapuso Network, si Marian din ay "Endorsement Queen" at "TikTok Queen."

Sabi sa isang page na "Publiko:"

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"QUEEN OF ALL MEDIA."

"Move over, Kris Aquino, may bago nang reyna. Ito ang anunsyo ng fans ni Marian Rivera kasunod ng balitang malapit nang umabot ng P1 bilyon ang kinita sa box office ng pelikula ng aktres at mister na si Dingdong Dantes na ' Rewind.'"

Inisa-isa raw ng fans ang mga bagong titles ni Marian: Primetime Queen, Endorsement Queen, TikTok Queen, Facebook Queen at Queen of Family Goals.

Photo courtesy: Screenshot from Publiko (FB)

At sa pagkakatabo ng Rewind sa takilya, ito na lamang ang missing piece para tawagin na rin siyang "Box-Office Queen" o "Movie Queen."

Anyways, sabi-sabi lang naman ito ng mga netizen sa social media dahil kapag sinabing "Queen of All Media," ang talagang maiisip talaga ay si Kris na kasalukuyan pa ring nasa Amerika at nagpapagaling sa sakit.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Marian tungkol dito.

MAKI-BALITA: Rewind natalbugan ang ‘Hello, Love, Goodbye’ sa PH domestic sales