Isang 2-anyos na babae at isang lalaki ang nasawi matapos matapos araruhin ng isang pampasaherong jeep na nawalan ng preno ang anim na sasakyan sa Nagcarlan, Laguna nitong Biyernes ng hapon.

Kaagad na binawian ng buhay sina Sandra Margarette Arevalo, 2, at Fabian Audije, 45, kapwa taga-Barangay Poblacion 2, Nagcarlan.

Hawak na ng pulisya ang driver ng jeep na si Dario Baldivia, 50.

Sa police report, tinatahak ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Baldivia ang pababang kalsada sa nasabing lugar nang biglang mawalan ng preno dakong 5:20 ng hapon.

Probinsya

Ibang pasabog yata? Granada, pasalubong ng senglot na mister kay misis

Dahil dito, inararo ng jeep ang isang tricycle, e-bike, sports utility vehicle (SUV), truck, owner-type jeep, at dalawang motorsiklo bago ito huminto.

Si Audije ay tumatawid sa lugar habang si Arevalo ay nakasakay sa e-bike nang maganap ang insidente.

Inihahanda na ng pulisya ang kaso laban kay Baldivia.