Inaresto nitong Biyernes ang vlogger-actress na si Toni Fowler matapos mag-isyu ng warrant of arrest ang Pasay Regional Trial Court laban sa kaniya.

Ang inisyu na warrant of arrest ng Pasay Regional Trial Court-Branch 108 ay dahil sa ‘di umano’y paglabag ni Fowler sa Cybercrime Prevention Act kaugnay sa kaniyang kontrobersyal na music video.

Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal ng socmed broadcasters

Gayunman, nakapagpiyansa sa halagang ₱120,000 ang vlogger-actress base sa inirekomenda ng korte.

Ang pag-aresto kay Fowler ay dahil sa kasong kriminal na isinampa umano ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas noong Setyembre 2023.

Kinasuhan ng social media broadcasters ang social media personality dahil sa tatlong music video nito sa YouTube na nagpakita umano ng mga malalaswa at maseselang parte ng katawan ng lalaki at babae.

Maki-Balita: Toni Fowler sinampahan ng kasong kriminal ng socmed broadcasters

Samantala, habang isinusulat ito, wala pang pahayag si Fowler tungkol dito.