Dahil sa sunod-sunod na panalo sa lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sinabi ni Senador Imee Marcos na kailangan daw itong malaman ng Guinness World Records (GWR).

Ang GWR ang nagtatala ng mga “ultimate record-breaking facts at achievements” sa buong mundo.

National

Romina, napanatili ang lakas habang kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Biyernes, sinabi ni Marcos na ang Pilipinas lang daw ang may pinakamaraming nananalo sa lotto sa loob ng isang taon.

“Kailangan malaman ng Guinness ito--sobrang galing eh. Tayo na yata ang may pinakamaraming nanalo sa loob ng isang taon. ‘Di mo malaman kung matatawa ka, maiinis, o matatakot,” ayon sa Senadora.

“First six months, 433 na ang nanalo sa isang lotto draw na multiples of 9 pa ang lumabas. Ngayon, halos araw-araw.”

Matatandaang napanalunan ng nag-iisang lucky winner ang naturang ₱698 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 nitong Miyerkules ng gabi, Enero 17.

Maki-Balita: Sunud-sunod na? Halos ₱700M lotto jackpot, kukubrahin ng solo winner

Bago naman mapanalunan ito ay nauna nang napanalunan ng taga-Maynila ang ₱640 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola naman noong Martes ng gabi, Enero 16.

Maki-Balita: Nanalo ng ₱640M lotto jackpot prize, taga-Maynila!