Unti-unti nang nababawasan ang scalawags sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang pahayag ni PNP chief, Gen. Benjamin Acorda, Jr. nitong Biyernes kasunod na rin ng pagkaaresto ng dalawang pulis sa Pampanga at Cagayan de Oro kamakailan dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

“It’s very unfortunate that despite our efforts of really trying to show to the public [na] binabawasan natin or tinatanggal natin ang mga misfits and scalawags [sa PNP], then here comes the two police officers who were involved in these buy-busts," reaksyon ni Acorda sa pagdalo nito sa 71st founding anniversary ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.

National

Umano'y 'white substance' na inabot kay PBBM, isang lapel pin daw sey ng PCO

Nauna nang isinapubliko ni Police Regional Office-3 Director Brig. Gen. Jose Hidalgo, Jr. na inaresto ng mga tauhan ng Pampanga Police Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, 1st Provincial Mobile Force Company, at San Fernando City Police ang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa San Fernando City nitong Huwebes.

Nakumpiska sa suspek ang ₱340,000 halaga ng ilegal na droga, ayon sa pulisya.

Nitong Miyerkules, isa ring pulis ang nahuli ng mga awtoridad sa Brgy. Carmen, Cagayan de Oro at nasamsam sa kanya ang ₱14,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang dalawang suspek na nasa kustodiya na ng pulisya.

PNA