Naglabas ng pahayag si Senador JV Ejercito tungkol sa kinahaharap ng kaniyang half-brother na si Senador Jinggoy Estrada.

Matatandaang base sa desisyon ng Sandiganbayan Fifth Division na inilabas nitong Biyernes, Enero 19, inosente umano si Estrada sa kasong plunder kaugnay ng ₱10 billion Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na iniugnay kay Janet Lim Napoles.

Jinggoy Estrada absuwelto sa plunder, ‘guilty’ sa kasong bribery

Gayunman, lumabas umanong “guilty” ang senador sa one count ng direct bribery at 2 counts ng indirect bribery matapos siyang akusahang nagbulsa umano ng ₱183 million na kickbacks mula sa mga umano'y pekeng proyekto.

Maki-Balita: Jinggoy Estrada absuwelto sa plunder, ‘guilty’ sa kasong bribery

Sa kaniyang X post, ibinahagi ni Ejercito ang kaniyang saloobin tungkol dito.

“The Sandiganbayan has handed down its verdict. I urge everyone to respect the wisdom and fairness of our justice system. Our justice system, despite its imperfection, is there to maintain law and order, protect our rights, and provide justice,” anang senador.

“I am sure that his legal team will exhaust all legal remedies on those cases he was convicted for. I wish him well and will continue to pray for Senator Jinggoy Estrada and his family,” dagdag pa niya.

https://twitter.com/jvejercito/status/1748185024099500337