Idineklara ng Sandiganbayan si Senador Jinggoy Estrada na “not guilty” sa kasong plunder, ngunit “guilty” naman umano sa kasong direct at indirect bribery.
Base sa desisyon ng Sandiganbayan Fifth Division na inilabas nitong Biyernes, Enero 19, inosente umano si Estrada sa kasong plunder kaugnay ng ₱10 billion Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam na iniugnay kay Janet Lim Napoles.
Gayunman, lumabas umanong “guilty” ang senador sa one count ng direct bribery at 2 counts ng indirect bribery matapos siyang akusahang nagbulsa umano ng ₱183 million na kickbacks mula sa mga umano'y pekeng proyekto.
Sinintensyahan si Estrada ng walo hanggang siyam na taon para sa direct bribery at dalawa hanggang tatlong taon para naman sa indirect bribery.
Ang naturang senador ay anak ng dating Pangulong Joseph Estrada.