Pormal nang inanunsyo ng Star Cinema at ABS-CBN na maituturing na raw na "highest grossing Filipino movie of all time" hindi lamang sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) kundi sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ang "Rewind" nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, tumabo na sa ₱815M ang kinita ng Rewind sa Philippine domestic sales, at kung isasama ang international sales, papalo ito sa ₱845M.
Ang HLG naman ay may ₱691M sa local record pero kung susumahin ang buong kinita nito worldwide, ito ay ₱881M.
Means to say, HLG pa rin ang may hawak ng titulo kung pag-uusapan ang overall sales. Pero sa ₱845M na standing na kita ngayon ng Rewind, may posibilidad na mapantayan o mahigitan pa ito kung magpapatuloy pa ang international screening nito.
View this post on Instagram
Nitong Miyerkules, Enero 17 nga ay nagdiwang na ang bumubuo sa produksyon at ilang cast ng Rewind, kasama ang ABS-CBN executive na si Mark Lopez, ang siyempre, ang lead cast na si Marian Rivera.
Nagpa-picture sila sa ituktok ng isa sa ABS-CBN building kung saan makikita sa kanilang background ang tower nito pati na ang gusali na may nakalagay na pangalan ng estasyon.
Sa kasalukuyan ay mapapanood pa rin ang Rewind sa USA, Canada, Guam, at Saipan, bukod pa sa 300 sinehan sa Pilipinas.