Aminado si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles na edited ang viral photo ng lucky winner ng ₱43M jackpot prize.

Matatandaang naloka ang mga netizen dahil sa Facebook post ng PCSO kung saan nakuha na ng plain housewife mula sa San Jose Del Monte, Bulacan ang tumataginting na ₱43,882,361.60 sa PCSO Main Office na matatagpuan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Anila, kahina-hinala raw ang larawan ng lucky winner dahil mukha raw edited ito.

Maki-Balita: Dinogshow: Nanalong lone bettor ng Lotto 6/42, ‘kahina-hinala’ raw

Sa isinagawang hearing ng Senate Committee on Ways and Means sa pangunguna ni Senador Raffy Tulfo nitong Huwebes, sinabi ni Robles na inedit nila ang damit ng lucky winner para sa proteksyonan umano ang pagkakakilanlan ng lucky winner.

“We have to protect the identity of the winner. Mayroon pong nagreklamo sa amin one time, we covered the face, eh ‘yong damit naman po ay nakilala. Nagreklamo siya, sana naman po 'wag naman ipakita po 'yong damit,” anang general manager.

"So ‘yan po ang reason niyan and I agree it’s a very poor editing pero the objective is to conceal the clothing na maidentify sa kanya,” dagdag pa niya.

Naitanong naman ni Tulfo kung bakit kinailangan pang i-edit ang damit. Paliwanag naman ni Robles na may pagkakataon umano na natuklasan ng kapitbahay ng lucky winner na suot umano nito ang paboritong damit.

Gayunpaman, humingi ng pasensya si Robles dahil sa “poor editing” nila.

"If there's something we apologize for, it’s the poor editing, but it has served its purpose of concealing the identity. We’re sorry we’re not very good at editing the clothes.”

Nilinaw rin niya na totoong tao ang nasa larawan.

Handa rin daw magpakita ng katibayan ang PCSO na totoong may nanalo sa mga nagdaang lotto draw.

Samantala, nauna na ring ibinahagi ni Robles sa “Unang Hirit,” nitong Huwebes ng umaga na kailangan talaga nilang i-edit ang larawan ng mga nanalo for “security reasons.”

Maki-Balita: PCSO Gen. Manager, nagsalita tungkol sa pag-edit nila ng larawan ng mga nananalo sa lotto