Sa pamamagitan daw ng pagtaya sa E-lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) napanalunan ang ₱698 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55, ayon kay General Manager Mel Robles.

Ito rin daw ang unang pagkakataon na may nanalo sa pagmamagitan ng online betting platform.

“‘Yon pong nanalo kagabi, sa single winner, is from the E-lotto po ang taya niya. First time po na E-lotto,” ani Robles sa kaniyang panayam sa "Unang Hirit" nitong Huwebes, Enero 18.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Matatandaang napanalunan ng nag-iisang lucky winner ang naturang ₱698 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 nitong Miyerkules ng gabi, Enero 17.

Maki-Balita: Sunud-sunod na? Halos ₱700M lotto jackpot, kukubrahin ng solo winner

Bago naman mapanalunan ito ay nauna nang napanalunan ng taga-Maynila ang ₱640 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na binola naman noong Martes ng gabi, Enero 16.

Maki-Balita: Nanalo ng ₱640M lotto jackpot prize, taga-Maynila!

Samantala, kung nais mong tumaya sa E-lotto, maaari itong ma-access sa pamamagitan ng PCSO website na www.PCSO.gov.ph, at pag-scan sa ibibigay na QR code.

Maki-Balita: PCSO: Test run ng E-Lotto, umarangkada na!