Inanunsiyo ng Manila Police District (MPD) nitong Huwebes na magpapatupad sila ng road closures at rerouting scheme para sa pista ng Sto. Niño de Tondo sa Linggo, Enero 21.

Ayon sa MPD Public Information Office (PIO), simula alas- 12:01 ng madaling araw ng Enero 20 ay sarado na ang N. Zamora St. mula Moriones St. hanggang Chacon St.;

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sta. Maria St., mula Moriones St. hanggang Morga St.; J. Nolasco St., mula sa Morga St., hanggang N. Zamora St., at Morga St. mula J. Nolasco St. hanggang Juan Luna St..

Sarado rin ang Ortega St. mula Asuncion St. hanggang Soliman St.; Lakandula St. mula Asuncion St. hanggang Ilaya St.; Ilaya St., mula Lakandula St. hanggang CM. Recto Avenue; Chacon St., mula N. Zamora St. hanggang Juan Luna St.; at Soliman St. mula Morga St. hanggang N. Zamora/Ortega St..

Ayon sa MPD PIO, ang mga motorista na patungo sa Tondo Church mula J. Nolasco St. ay pinapayuhang kumanan sa Morga St., diretso sa Tuazon St. at sa Wagas St., o kumaliwa sa Asuncion St. patungong C.M. Recto hanggang sa kanilang destinasyon.

Ang lahat naman ng sasakyan na mula sa Pritil na gumagamit sa N. Zamora St. ay dapat na kumaliwa sa Moriones St. patungong Juan Luna St. hanggang sa kanilang destinasyon.

Samantala, ang mga sasakyang mula sa C.M. Recto/ Asuncion St. ay dapat na kumaliwa sa Lakan Dula St., patungo sa kanilang destinasyon.