Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na unahin na bigyan ng pabahay ang mga nakatira malapit sa Pasig River.
Inilabas ni Marcos ang direktiba sa gitna ng isinusulong na rehabilitasyon ng Pasig River kung saan nasa 10,000 informal settler families ang maapektuhan.
Partikular na inatasan ng Pangulo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ang ahensyang namamahala sa mga pabahay sa bansa.
Nauna nang naiulat na magpapatayo ng pabahay ang pamahalaan habang ipinatutupad ang Pasig River Urban Development Project.
National
Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
Itatayo sa 25 ektaryang resettlement area sa Baseco sa Tondo, Maynila ang 60,000 units na pabahay kung saan dadalhin ang maaapektuhan ng proyekto.