Labis-labis daw ang pasasalamat at pagpapahalaga ni Janno Gibbs sa mga kaibigan at kasamahan sa industriya na dumalaw at nagbigay-pugay sa mga labi ng namayapang amang si Ronaldo Valdez noong Disyembre 2023, kabilang na ang mga nakasama nito sa huling nagawang teleseryeng "2 Good 2 Be True."

Ayon kay Janno, sa lahat daw ng mga nakasama ni Ronaldo sa industriya, tanging si Kathryn Bernardo lamang ang pinayagang makasilip sa mga labi nito.

"Kathryn was there. One of the first sa wake. She was the only one allowed to view... it was just immediate family, plus they were really close," sey ni Janno sa panayam sa kaniya ni ABS-CBN showbiz news reporter Gretchen Fullido.

Para daw kay "Lolo Sir" ay tunay niyang apo si Kathryn.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Nagpasalamat din si Janno sa ABS-CBN dahil minahal daw nila ang kaniyang ama, at alam din niyang minahal din ng kaniyang ama ang Kapamilya Network, lalo na sa huling teleseryeng nagawa nito.

Malaki raw ang pasasalamat din ni Janno na nakasama pa niya sa kaniyang pelikula ang ama, ang "Itutumba Ka ng Tatay Ko" sa ilalim ng produksyon ng Viva Films, bago ito sumakabilang-buhay.