Hindi makasasali si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa Asian Weightlifting Championships sa Uzbekistan sa Pebrero 3-10 na bahagi ng qualifying event para sa pagsabak nito sa Paris 2024 Olympic Games ngayong taon.

Ito ay matapos magkaroon kanyang knee injury sa gitna ng laban nito sa 59kg category sa International Weightlifting Federation (IWF) Grand Prix sa Doha, Qatar noong Disyembre 4-14, 2023.

Naiuwi ni Diaz ang unang gold medal ng Pilipinas nang magpakitang-gilas sa women's 55kg category noong 2021. Nagreyna rin ito sa kaparehong kategorya sa World Championships sa Bogota, Colombia noong Disyembre 5-16, 2022.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Sasabak sa nasabing Asian Championships sa Tashkent, Uzbekistan ang mga Pinoy na sina Rose Jean (W45kg) at Rosegie Ramos (W49kg), at 2019 SEAG champion Kristel Macrohon (W71kg) ng Zamboanga City; Lovely Inan ng Angono, Rizal (W49kg); 2023 Hangzhou Asian Games bronze medalist Elreen Ann Ando (W59kg) ng Cebu City; at two-time SEAG gold medalist Vanessa Sarno ng  Bohol (W71kg).

Pagkatapos ng naturang Asian Championships, nakatakda namang idaos ang World Cup sa Marso 31 hanggang Abril 11 sa Phuket, Thailand kung saan inaasahang sasali ang mga Pinoy dahil ito na ang huling Olympic qualifier.

PNA