Nasawi ang isang aso sa Goa, Camarines Sur matapos umano niyang iligtas ang kaniyang fur parent mula sa isang cobra.

Base sa ulat ng GMA News, ikinuwento ng fur parent na si Emmanuel Onsay na natutulog siya sa kanilang kubo nang mangyari ang pagsagip daw sa kaniya ng kaniyang asong si “Kankan.”

Ayon kay Onsay, paggising niya nang mga araw na iyon mula sa pagkakatulog sa naturang kubo ay tumambad sa kaniya ang naghihingalong si Kankan.

Agad naman daw niya itong dinala sa beterinaryo para mai-revive pa, ngunit sa kasamaang palad ay namaalam na ito.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Kinabukasan, nakita raw niya malapit sa kanilang kubo ang isang patay na cobra na pinaniniwalaan nilang nilabanan ng kaniyang mahal na alaga.

Bukod dito, nakita rin daw nila ang pito nilang mga manok na pawang mga patay na rin.

Ayon kay Onsay, isang tunay na bayani si Kankan at utang rin daw niya rito ang kaniyang buhay.

“Kankan saved me because she wants me to save other dogs. She wants me to excel in accounting, auditing, economics, or data analytics. She wants me to be an instrument in changing the lives of others. My dear Kankan, this time, I won't let you down,” saad ni Onsay, isa ring guro, sa kaniyang Facebook post.