Huhulihin na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga hindi nakarehistro na jeep paglagpas ng Enero 31.

"Kapag hindi naka-rehistro, whether consolidated o unconsolidated, huli kayo," banta ni LTO chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II nitong Miyerkules.

Nauna nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huhulihin din nila ang mga jeep na hindi nag-consolidate ng prangkisa simula sa Pebrero 1.

Pinapayagan na munang bumiyahe hanggang Enero 31 ang mga jeep na hindi nag-consolidate.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Nasa 70 porsyento ng driver at operator sa buong bansa ang kasama sa franchise consolidation bilang bahagi ng isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan, ayon sa LTFRB.

Binanggit naman ni Mendoza na nakahanda na ang kanilang impounding areas sa iba't ibang rehiyon sa bansa.

"Meron tayong bubuksan na impounding area sa Carmona, two hectares sa MOA (Mall of Asia) area. Nasa [Region] 4A ako kahapon, meron tayo bubuksan na mga impounding area dito sa Lipa, San Pablo, at San Pedro. Tingin namin sapat na 'yun. Sana hindi mapuno, sana mag-comply na lang po ang mga tao. Sana mag-rehistro na po ng sasakyan ang mga nagrereklamo sa modernization,"dagdag pa ng opisyal.

PNA