Maituturing na raw na "highest-grossing movie of all time" sa kasaysayan ng Metro Manila Film Festival ang pelikulang "Rewind" na pinagbidahan nina Kapuso royalties Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ilalim ng magkasanib na produksyon ng Star Cinema, APT Entertainment, at Agosto Dos Pictures.
Makikita sa Instagram page ng Star Cinema ang kumpirmasyong as of January 17, 2024, nasa â±845 milyon na ang kinita sa takilya ng pelikula.
Ibig sabihin, malaki ang ambag ng Rewind sa higit â±1 bilyong kinita ng 2023 MMFF, kung pagsasama-samahin ang kinita ng 9 pang mga pelikula.
"Damang dama namin ang greatest love Mo! âđŒđâȘ," mababasa sa Instagram post ng Star Cinema.
"In Philippine domestic sales, #RewindMMFF IS NOW THE HIGHEST GROSSING FILIPINO FILM OF ALL TIME! đ"
"And as of 3PM today, the worldwide total gross of âRewindâ is PHP 845 Million."
"#RewindNowShowing in over 300 cinemas in the Philippines, USA, Canada, Guam, and Saipan!" saad pa.
Malapit nang mahigitan ng Rewind ang "Hello, Love, Goodbye" nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na itinuturing na "highest-grossing Filipino movie of all time" dahil sa pagpapalabas nito sa Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo, sa kitang â±881M.View this post on Instagram