Muling sinabi ni Ultimate Heartthrob Piolo Pascual na nasa bucket list niya ang pagganap bilang si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. sa isang biopic movie.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Papa Pi, matagal na nga raw niyang naiisip na i-portray ang tatay nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Sen. Imee Marcos.

Paliwanag ni PJ, lumaki raw siya sa era ng pamamahala nito, at ang nanay naman niya ay minsang nagtrabaho sa Palasyo. Kaya masasabi ng aktor na isang sikat na personalidad at relevant ang yumaong pangulo sa kaniyang pagkabata.

Pero hindi naman daw nagmamadali ang aktor na kinabiliban sa kaniyang pagganap bilang paring serial killer na si Fr. Severino Mallari, at take note, tatlong karakter ang ginampanan niya sa pelikulang kabilang sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"The door is open. With the emergence of the streaming platforms, mas maganda nang gumawa ng content ngayon kasi mas diverse na yung mga konsepto. Hindi ka na stuck with one genre, one formula," aniya pa raw.

Nauna nang sinabi ni Piolo ang kaghustuhan niyang gumanap sa nabanggit na role, sa isinagawang media conference para sa promotion ng kaniyang concert na “An Ultimate Night With Piolo” sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City, na naganap noong Oktubre 20, 2023 ng gabi.

MAKI-BALITA: Piolo Pascual bet gumanap bilang ex-pres Ferdinand Marcos Sr.