Tila magandang bungad ngayong 2024 ang tumataginting na ₱640 milyong jackpot prize na napanalunan ng taga-Maynila nitong Martes ng gabi, Enero 16.

Ayon kay PCSO Gen. Manager Mel Robles, matagumpay na maiuuwi ng lone bettor ang jackpot prize ng Super Lotto 6/49 na ₱640,654,817.60 matapos nitong mahulaan ang winning combination na 26-33-14-48-06-42.

Samantala, pinayuhan din niya ang lucky winner na maaaring kubrahin ang milyon-milyong premyo sa kanilang tanggapan sa Mandaluyong City at magdala lamang ng dalawang valid IDs.

HIV cases sa bansa, pumalo na ng mahigit 4,000 sa 1st quarter ng 2026!

Ang lahat ng premyong lampas sa ₱10,000 ay papatawan ng 20% buwis, alinsunod sa TRAIN Law.

Ang mga premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang pagbola dito, ay awtomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa kanilang Charity Fund.