Naglabas ng pahayag si Senador Risa Hontiveros kaugnay sa babala umano ng China sa Pilipinas matapos ang pagbati ni Pangulong Bongbong Marcos sa bagong halal na presidente ng Taiwan na si Lai Ching-te.

“The administration should get its act together. We cannot have the President, the chief architect of foreign policy, say one thing, while the Department of Foreign Affairs says another,” ani Hontiveros nitong Miyerkules.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Bukod dito, binigyang-diin ng senador na walang karapatan ang China na manduhan ang mga Pilipino kung ano ang dapat sabihin.

“In any case, China has no business telling Filipinos what to say or not. Wala silang karapatan pagmanduhan tayo gaya nang wala silang karapatan maglayag diyan sa West Philippine Sea,” saad niya.

Dagdag pa niya, “As I’ve called for before, we must review this so-called One China Policy. China has done far worse things in our territories compared to a congratulatory message to Taiwan.”

Matatandaang nito lamang Lunes ng gabi, Enero 15, ay binati ni Marcos si Lai sa pagkapanalo nito sa halalan ng pagkapangulo sa Taiwan.

“On behalf of the Filipino people, I congratulate President-elect Lai Ching-te on his election as Taiwan’s next President. We look forward to close collaboration, strengthening mutual interests, fostering peace, and ensuring prosperity for our peoples in the years ahead,” ani Marcos sa kaniyang X post.

Maki-Balita: PBBM kay Taiwanese president-elect Lai: ‘We look forward to close collaboration’

Noon ding Lunes ng gabi ay binalaan na ng China ang mga nagpapahayag ng pagbati kay Lai lalo na’t inihayag na nito ang pagtutol sa muling pagsasama-sama ng Taiwan sa China.

Ayon kay Mao Ning, tagapagsalita ng Foreign Ministry ng China, ang mga naghahayag ng pagbati kay Lai ay lumalabag sa “One-China Policy.”

Nakasaad sa One-China Policy ang: “All Chinese on either side of the Taiwan Strait maintain there is but one China and that Taiwan is a part of China.”

Maki-Balita: China, pinatawag PH envoy matapos batiin ni PBBM si Taiwanese president-elect Lai

Samantala, nitong Martes ng umaga, muling iginiit ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagsunod ng Pilipinas sa One-China Policy.

Ipinaliwanag din ng DFA na ang naging pagbati ni Marcos ay paraan lamang daw niya ng pasasalamat sa pagtanggap ng Taiwan sa humigit-kumulang 200,000 overseas Filipino workers (OFWs) doon.

Maki-Balita: Matapos ang pagbati ni PBBM sa Taiwan president: DFA, muling iginiit ‘One-China Policy’