Pinagdiskitahan ng mga netizen ang latest Instagram post ng actress at vlogger na si Alex Gonzaga.
Isang araw matapos ang kaniyang birthday, nag-flex si Alex nitong Miyerkules, Enero 17, ng pictures niya kung saan ang isa roon ay kita ang kaniyang side boob.
“Older and bolder. it’s flattening ?” saad ni Alex sa caption.
Hindi naman napigilan ng mga netizen na magbahagi ng kani-kanilang reaksiyon sa naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“Ayye ? hot!!”
“Hubadera”
“Spicyttt”
“Nag desisyon ka na naman ate @cathygonzaga nung wala kuya Mikee ano? Wala na naman sya nagawa ??? you go girl! support kita dyan ate! Love it! It's still decent and pretty mo ?”
“Ganda mo ??”
“Ayyyyy!!!?”
“Pasok @luckymanzano ?”
“Approved ba ni kuya Mikee ang pa side boob mo ate? ??”
Tila tuloy-tuloy ang transformation ni Alex sa kaniyang sarili. Matatandaang kamakailan lang ay ibinahagi naman niya ang kaniyang pictures matapos magpa-nose job.
MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, nagpa-nose job: ‘Ako lang ‘to!’