300 lugar, nagsumite ng mga pirmang nagsusulong ng Cha-cha -- Comelec
Tumanggap na ng mga paunang pirma ang Commission on Elections (Comelec) upang maisulong ang pagbabago ng Saligang Batas sa pamamagitan ng People's Initiative.
Ito ang kinumpirma ni Comelec Chairman George Garcia at sinabing hawak na nila ang mga signature forms mula sa 300 lungsod at munisipalidad sa buong bansa.
Kabilang sa mga nasabing lugar ang Sogod, Southern Leyte; Tolosa, Baybay City at Babatngon, Leyte; Calbayog City, Pinabacdao, Jiabong; Sta. Rita at Gandara, Samar.
Bibilangin pa ng Comelec ang mga pirma at sinabi rin na wala pang petisyon laban sa People' Initiative.
Ang PI ay isa sa tatlong paraan ng pag-amyenda ng Konstitusyon, bukod pa sa constitutional convention at constituent assembly.
Sa ilalim ng People's Initiative, ang mga nagsusulong ng pagbabago ng Saligang Batas ay dapat na makakuha ng 12 porsyento ng kabuuang bilang ng registered voters, kabilang na ang tatlong porsyento ng total voting population ng bawat legislative district upan maisulong ang Charter Change.