Patay ang dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos makipagsagupaan sa awtoridad sa Hacienda Gomez, Barangay Sag-ang, La Castellana, Negros Occidental nitong Miyerkules, Enero 17.

Ayon sa ulat, naglunsad ng operasyon ang Army 62nd Infantry Battalion matapos maiulat sa kanila ng isang sibilyan ang mga aktibidad ng NPA sa lugar.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dito ay nakasagupaan nila ang mga NPA kung saan dalawa sa mga rebelde ang namatay.

Gayunpaman, hindi pa nakikilala ang pagkakakilanlan ng mga namatay.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang AR15 rifle, isang homemade shotgon, isang .45 caliber pistol, magazines na may ammunition, medical paraphernalia, dalawang backpaks, dokumento, at iba pang personal na gamit.