Nangunguna sa listahan ng pinakamayamang tao sa buong mundo ang CEO ng isang electic car company, rocket firm, at social media company na si Elon Musk sa edad na 52, ayon sa Forbes.

Inilabas ng Forbes nito lamang Enero 1 ang top 10 richest people in the world kung saan nangunguna rito ang 52-anyos na CEO ng Tesla, SpaceX, at X na si Elon Musk na may net worth na $251.3 bilyon.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sinundan naman siya ng 74-anyos na si Bernard Arnault na siya namang CEO at chairman ng LVHM na may “largest luxury good company” sa buong mundo na may 70 fashion at cosmetic brands, ayon sa Forbes.

Umaabot naman sa $200.7 bilyon ang net worth ni Arnault.

Pumangatlo naman ang 59-anyos na chairman ng e-commerce giant Amazon na si Jeff Bezoz na may net worth na $168.4 bilyon.

Sinundan pa ito nina:

Larry Ellison, 79

Chairman at Chief Technology Officer, Oracle

Net worth: $135.3 bilyon

Mark Zuckerberg, 39

CEO, Facebook/Meta

Net worth: $125.3 bilyon

Bill Gates, 68

Microsoft at Investments

Net worth: $119.6 bilyon

Warren Buffett, 93

Chairman at CEO, Berkshire Hathaway

Net worth: $118.6 bilyon

Larry Page, 50

Board member at shareholder, Google

Net worth: $117.2 bilyon

Sergey Brin, 50

Board member at shareholder, Google

Net worth: $112.4 bilyon

Steve Ballmer, 67

Microsoft at Investments

Net worth: $112.2 bilyon