Humingi ng dispensa ang Quezon City Police District (QCPD) sa pangunguna ni QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan kaugnay ng "palpak" na paghawak ng dalawang pulis at pag-upload pa umano ng kuhang video sa social media, na kuha sa pagkamatay ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez noong Disyembre 17, 2023.

Sa isang panayam, buong pusong humingi ng kapatawaran si Maranan kay Gibbs gayundin sa pamilya at mga kaibigan nito.

“Tayo ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa lahat ng pamilya ng Gibbs, gayundin sa kanilang mga kaibigan dahil sa sabihin na natin na sakit na naidulot noong paglabas ng video sa iba’t ibang social media platforms kung saan involved ang isang police sa pagkuha ng video,” aniya.

Matapos daw ang isinagawang press conference kahapon ng Lunes, Enero 15 kaugnay pa rin sa pagkamatay ng ama, ay nagkausap daw ang dalawa sa telepono.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"Doon ay naipahatid ko personally 'yong aming paghingi ng paumanhin," pahayag ni Maranan.

Bukod sa dismissed na sa tungkulin, sinampahan din ng administrative charges ang mga pulis na sangkot sa pag-leak ng sensitibong video.

Ang administrative charges na ito ay neglect of duty, grave irregularity in the performance of duty, at grave misconduct.

Wala ring kawala at hindi ligtas ang apat na sibilyang netizen na nauna raw mag-upload ng maselang video ni Ronaldo sa social media. Sasampahan umano sila ng criminal charges.

"We were able to identify more or less apat na sibilyan na sila ang unang nag-upload sa social media ng video. Mayroon na tayong identification. We are ready to file the criminal case. We are just waiting for the family of Gibbs to file a complaint,” pahayag pa ni Maranan sa ulat ng GMA Integrated News.

Nauna nang sinabi ni Gibbs na nagdedemand siya ng public apology sa dalawang sangkot na pulis.

MAKI-BALITA: Mga pulis na nag-leak ng video ni Ronaldo, nais ipag-public apology ni Janno

Binanatan din ni Janno ang social media content creators na nagpapakalat ng fake news tungkol sa kaniya.

MAKI-BALITA: ‘Ganito na ba kababa?’ Janno binanatan mga ‘desperadong’ vloggers