Kung naging viral ang tungkol sa hinaing ng isang soon-to-bride dahil sa natanggap na mumurahing engagement ring na ibinigay sa kaniya ng fiance para sa kanilang kasal, usap-usapan naman ang isang anonymous sender na humihingi ng payo sa kapwa netizens, sa pagkakataong ito ay kasangkot na ang biyenan.
Ayon sa screenshots na naka-upload sa Facebook page na "The Budgetarian Bride," bagong kasal lamang ang misis sa kaniyang mister at nakatira sila sa isang maliit na condo unit. Ang nabanggit na unit ay may isang sala, isang kusina, at isang kuwarto. Kasama raw nila sa unit ang nanay ng kaniyang mister, at silang tatlo ay natutulog sa loob ng iisang kuwarto.
Bukod sa wala silang privacy kaya hindi makabuo ng anak, inirereklamo rin ng sender ang biyenan na malakas daw humilik. Nang minsang hindi na siya nakatiis at gisingin ito habang natutulog, tila sumama pa raw yata ang loob ng MIL (mother-in-law).
Kaya humihingi ng payo ang bagong misis kung paano ang gagawin sa kanilang sitwasyon, lalo't ang kapatid ng kaniyang mister ay may asawa na rin kaya wala na itong matutuluyan. Ang nais lamang daw niya ay magkaroon sila ng privacy para makabuo na sila at magsimula na ring magkaroon ng sariling pamilya.
Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:
"Mahirap nga yung ganyan sitwasyon dahil kasama nyo sa kwarto ung MIL mo. Pero dpat yung MIL nyo ang mag adjust dahil mag asawa kayo at need nyo din ng privacy. Mabuti sna kung dalawa yung kwarto jan sa condo niyo."
"Para sakin, pagusapan nyo ng maayos ng asawa mo ito, a sitdown serious talk na kayong dalawa lang. This is not a simple problem. Ung asawa mo ang pinakasalan mo hindi kasama nanay niya. You and him are just being added to his side and your side of the family, but not to your 'own.' Si mama ko is living in her own house, partida senior citizen na siya. We live a kilometer away para mabilis and daily napupuntahan pa namin siya, bumukod kami 🙂 One tip: magboypren na yan si MIL mo🤣 kasi nanay ko meron."
"Kailangan niyo pa kasi guidance niya, siyempre baka need niyo din tips kung paano makabuo, at least habang ginagawa niyo andiyan lang siya sa tabi niyo nakaantabay kung may mga katanungan kayo."
"I live with my MIL too sender, for the last 3yrs puro patago at timing lang talaga and iisa lang talaga ginagalawan namin noon btw nagiisang anak lang kasi asawa ko. The solution was pinagusapan namin ng maayos ng asawa ko. Mabait MIL ko wala naman ako masabi sa kanya yun lang need namin privacy. We strived na makapag pa kwarto then may sarili din MIL ko ayun nagagawa na namin mga bagay na guato namin gang sa magkaanak na kami. Maayos na usap lang nadadaan lahat sa maayos na usapan. Goodluck.!"
Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 3.2k reactions, 510 shares, at 1.1k comments ang nabanggit na Facebook post.
Ikaw, ano ang maipapayo mo para kay anonymous sender?
---
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!