Tila dinogshow na naman ni Luis Manzano ang kaibigan niyang si Alex Gonzaga sa birthday greeting niya rito.

Sa kaniyang Facebook post nitong Martes, nag-upload si Luis ng isang picture kasama sina Edu Manzano, Jessy Mendiola, at ang birthday celebrant na si Alex—ngunit kulang na lang ay hindi na makita ang mukha nito.

2 dambuhalang sawa, nahuli sa kisame ng magkaibang bahay, 1 sa kanila, nakalunok ng tuta!

“Happy birthday, Ate Catherine Mae Gonzaga!” saad pa nito sa caption ng picture.

Tawang-tawa naman ang netizens sa naging birthday greeting ni Luis sa aktres. Hindi na rin bago sa dalawang showbiz personalities ang “magbardagulan” at “mag-dogshow” ng isa’t isa.

“Halfy birthday po ganda ng kuha”

“Hahaha Halfy halfyyy birthday!”

“Buti pinakita mo p Sir isang mata at tenga”

“Ganda ng angle!”

“Lalong gumaganda si Alex, literal na halfy birthday. Hahaha. Sana happy ka sa heartfelt post ni Luis hahahahhaa”