Naglabas ng pahayag ang GMA Entertainment Group kaugnay sa kumakalat na fake audition para sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre”. 

Sa Facebook post ng “Encantadia Chronicles: Sang'gre” nitong Martes, Enero 16, mahigpit nilang binabalaan ang mga nasa likod ng pagpapakalat ng maling impormasyon hinggil sa audition.

“GMA Entertainment Group strongly warns the perpetrators who have been posting about the fake audition for “Encantadia Chronicles: Sang’gre’,” saad sa post.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“These scammers are wrongfully using the name of GMA Network to ask for money and/or solicit private photos and information,” anila.

Nilinaw ng entertainment group na wala raw silang on-going audition para sa nasabing upcoming series ng Kapuso Network.

Gayundin, ang mga opisyal na anunsiyo raw nila ay mababasa lang sa mga opisyal na social media account ng GMA.

Kaya hinihikayat nila ang mga nabiktima ng fake audition na iulat sa mga sumusunod ang nasabing insidente:

[email protected] /[email protected] 📞 (+632) 523 8482 / (02) 8525 4093”

Matatandaang nagsisimula na ang taping ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre” noon pang Nobyembre 2023.

MAKI-BALITA: Taping ng ‘Sang’gre’, nagsisimula na