Dismayado ang singer-comedian na si Janno Gibbs sa ilang vloggers na ginawang content ang pagkamatay ng amang si Ronaldo Valdez, at gumawa pa ng iba't ibang maling kuwento, detalye, at impormasyon tungkol dito.

Sa isinagawang media conference sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City, nitong Lunes ng hapon, Enero 15, kaugnay ng pagpanaw ng ama noong Disyembre 17, 2023, nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya si Janno sa content creators na pinagkakitaan ang trahedyang nangyari sa ama, lalo na ang misteryo sa likod ng pagkamatay nito.

May ilan kasing ipinakalat pa ang kuhang video ng duguang si Ronaldo, at may ilang vloggers pa ang nambibintang kay Janno na siya raw ang mastermind sa nangyari sa sariling ama.

Kasamang humarap sa press ang abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Binasa ni Janno ang ilan sa mga halimbawang write-ups at content ng ilang vloggers na nagpapakalat ng fake news.

"Ganito na ba kababa, kadesperado ang mga vloggers for likes and views, you know, at the expense of our lives, my father's reputation, my family... gano'n, gano'n na ba talaga kadesperado, na sa kanilang lahat na mga binanggit ko, and pati sa lahat ng mga netizen na nag-share, nagpasa ng video, or better yet 'Fu*k you,' that's I think that's the better statement..."

Samantala, sinabi rin niyang nais niyang magsagawa ng public apology ang dalawang pulis na "palpak" umanong humawak sa kaso ni Ronaldo, at nagpakalat pa ng video nito.

Nauna nang nasibak sa puwesto ang dalawang pulis dahil dito.

MAKI-BALITA: Mga pulis na nag-leak ng video ni Ronaldo, nais ipag-public apology ni Janno