Tila "namalikmata" ang mga netizen sa isang litrato kung saan isang lalaki ang tila nakaharap sa isang malaking-malaking pink na ibong maya habang nasa isang eskinita.

Kung titingnan ay tila kinakausap, inaamo, at pinapakain ng lalaki ang dambuhalang maya na tila hindi naman mailap sa kaniya at nakikipagtitigan pa.

Saan nga ba galing ang ibong ito?

Pero hindi naman totoong dambuhalang maya ito, kundi ito ay 3D artwork ng lalaki na nagngangalang James B. Ison, isang 3D artist.

ALAMIN: Mga paraan upang labanan ang '12 scams of Christmas'

Saad sa post niya, chalk at charcoal ang ginamit niya sa pagguhit nito.

"Ako at ang MAYA

Ang aking unang 3D chalk and charcoal art on floor

2024

Sana’y magustuhan po ninyo 🙏

Glory to God 🙏🙏," aniya sa kaniyang Facebook post.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Galing mo po sir"

"Super galing!"

"Amazing, ang galing!"

"Nakaka-amaze naman!"

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay James, sinabi niyang noong 2020 siya nagsimulang gumawa at matuto ng 3D artwork, nang mag-community project sila sa isang national park.

Ang husay nga hindi ba?

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!