Kinilala ng Guinness World Records (GWR) ang isang 92 anyos na lola mula sa Utah, USA bilang pinakamatandang babaeng waterskier sa mundo.

Sa ulat ng GWR, sa kabila ng edad ng lolang si Dwan Jacobsen Young ay malakas pa rin daw niyang nagagawa ang paborito niyang activity — ang water skiing.

Nagsimula raw maging waterskier si Dwan sa edad na 29 noong 1961. Nang mga oras na iyon, napansin daw niyang maraming gumagawa ng nasabing activity kaya’t sinubukan din niyang matuto rito hanggang sa nakahiligan na niya.

Mula noon, lagi na raw nagpupunta sa lawa ang kanilang pamilya tuwing summer para mag-water ski.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I always get butterflies before I get in the water,” kuwento ni Dwan sa GWR.

Sa paglipas ng panahon, ang kaniya na raw mga apo ang nagsisilbing mga coach at cheerleader ni Dwan tuwing sumasalang siya sa tubig para mag-ski.

Samantala, nasa isang family Christmas party raw sina Dwan nang malaman niya ang paggawad sa kaniya ng GWR ng record title para sa “world’s oldest waterskier (female).”

“Our daughter announced that our granddaughter had a surprise. Up on the screen came a video of me skiing this summer. I could not believe it. I still cannot believe it. What a surprise and what an honour,” saad ni Dwan.

Hiling naman daw ng 92-anyos na lola na manatili siyang malusog at muling makapag-water ski sa susunod na summer.

Hinikayat din niya ang mga kapwa niya may edad na na huwag matakot sumubok ng bagong sport o aktibidad na nais nilang matutunan at gawin.

“You are more capable than you think,” aniya.