Ituturo na rin bilang elective subject ang musical artistry ni multi-Grammy award-winning American singer at songwriter Taylor Swift sa senior high school ng De La Salle University-Dasmariñas.

Sa Facebook post ng DLSU-Dasmariñas kamakailan, inanunsiyo ng nasabing unibersidad ang tungkol sa bagay na ito.

“Get ready to be 𝐸𝑁𝐶𝐻𝐴𝑁𝑇𝐸𝐷 with some exciting news! 🚀 This semester, we're thrilled to introduce an array of eclectic electives that cater to every interest! 🎉” saad ng DLSU-Dasmariñas.

Dagdag pa nila: “Dive into the enchanting world of Taylor Swift and explore the musical artistry that has captured hearts worldwide. This elective is your backstage pass to the magic behind the melodies.” 

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Pero bukod kay Taylor Swift, may ino-offer din silang electives na nakasentro sa Bikini Bottom, KPop, pagbibisikleta, at pusa. 

Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng electives ang DLSU-Dasmariñas. Sa katunayan, naglatag na rin sila noong nakaraang taon ng electives tungkol sa Harry Potter, Star Wars, at anime.

Samantala, matatandaang kamakailan ay nag-offer din ang University of the Philippines ng elective course na nakasentro kay Taylor Swift.

MAKI-BALITA: ‘Heads up, Pinoy Swifties!’ UP, mag-ooffer na ng Taylor Swift course