Naghain ang Makabayan bloc ng resolusyon para paimbestigahan ang umano’y paggamit sa pondo ng bayan sa pagbili ng mga pirma para amyendahan ang 1987 Konstitusyon ng Pilipinas nitong Linggo, Enero 14.

Sa inilabas na pahayag ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro, sinabi niyang may natatanggap umano silang ulat tungkol sa pagbili ng boto para sa isang pekeng people’s initiative upang isulong ang Charter Change (Cha-cha)

"Ang ilan ay pinangakuan ng ayuda, at iba naman ay isinabay ang pagpapapirma sa gift giving noong kapasakuhan. May report din na pati mga PWD ay nililinlang para papirmahin sa Cha-cha,” saad ni Castro.

Binigyang-diin sa nasabing resolusyon na bukod sa pagiging unconsntitutional, imoral din daw ang ginagawang panunuhol sa mga mamamayan gamit ang pera ng bayan para lang isulong ang Cha-cha.

National

Davao Oriental, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Matatandaang umere kamakailan sa halos lahat ng major TV networks ang isang patalastas tungkol sa pagkabigo umano ng 1987 Konstitusyon na paunlarin ang buhay at pamumuhay ng mga Pilipino.

MAKI-BALITA:  ‘Edsa-pwera tayo!’ TV ad kontra 1987 Constitution, usap-usapan

Nauna nang magbigay ng pahayag si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel at ang Akbayan Party kaugnay sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Raoul Manuel, pinalagan mga kontra sa 1987 Constitution

MAKI-BALITA: Akbayan sa ‘EDSA-pwera’ TV ad: ‘Hindi kailangan ng cha-cha’