Nakahandang magpakalat ng mga sasakyan ang Metro Manila Development Authority (MMDA) upang alukin ng libreng-sakay ang mga maaapektuhan ng transport strike sa Martes, Enero 16.
Sa pulong balitaan sa Malacañang nitong Lunes, nangako si MMDA chairman Romando Artes na madaling araw pa lamang ay nakatutok na sila sa mga lugar na maaapektuhan ng kilos-protesta.
“Kami naman ay nakikipag-ugnayan doon sa mga hindi sasama sa protesta, dahil mas importante iyon para malaman namin kung ano iyong posibleng mga ruta na maaapektuhan, kung saan pine-preposition natin iyong atin pong augmentation," anang opisyal.
Metro
QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC
Aniya, nakipag-ugnayan na rin sila sa mga lokal na pamahalaan na pagdadausan ng protesta.
“We understand that it’s not a tigil-pasada but merely a protest by the two transport groups. But just the same, we are ready to respond. We will monitor the situation as early as 5 AM tomorrow. And in case there is a disruption in the public transportation system, we will augment; we are ready. We already notified the various LGUs to be prepared. And the MMDA itself is preparing for any eventuality tomorrow," pagdidiin pa ni Artes.