Nagsagawa ng press conference ang aktor-singer na si Janno Gibbs kaugnay sa pagkamatay ng kaniyang amang si Ronaldo Valdez kamakailan.
Matatandaang bumulaga sa publiko ang balita ng pagkamatay ng beteranong aktor noong Disyembre 17, 2023 matapos maglabas ng opisyal na pahayag ang Quezon City Police District Headquarters (QCPD).
MAKI-BALITA: QCPD naglabas ng statement tungkol sa pagpanaw ni Ronaldo Valdez
Natagpuang duguan si Valdez sa mismong kuwarto niya at may tama ng baril sa kaniyang kanang sentido.
Sinibak naman sa puwesto ang dalawang pulis kaugnay ng kanilang pagkakadawit sa kumalat na video sa hitsura ng aktor habang inilalabas ito sa kaniyang kuwarto.
MAKI-BALITA: 2 pulis-QC, sinibak dahil sa leaked video ni Ronaldo Valdez
Ito ang isinapubliko ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Col. Jean Fajardo at sinabing nakausap niya si Quezon City Police District head Brig. Gen. Rederico Maranan na nagpatupad ng nasabing hakbang.
Sa press conference ngayong araw ng Lunes, Enero 15, sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan ay nais daw ni Janno na magsagawa ng public apology ang dalawang nasibak na pulis, na naging "palpak" umano sa paghawak sa kaso ng namayapang ama, at nagpakalat pa ng video nito.