Mahigit sa 30 motorista ang hinuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa EDSA bus lane policy nitong Lunes ng umaga.

Sa pahayag ng Department of Transportation (DOTr), ang mga naturang motorista ay hinarang sa EDSA Busway sa Magallanes, Makati City sa ikinasang operasyon ng DOTr-Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na nagsimula nitong Enero 15 ng madaling araw.

Kabilang sa tinikitan ang mga taxi, motorsiklo, at pribadong sasakyan.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nasa ₱5,000 ang multa ng mga lumabag sa nabanggit na patakaran.

Nilinaw ng ahensya, kabilang lamang sa pinapayagan na dumaan sa EDSA bus lane ang mga ambulansya, bumbero at police car.