Sapat pa rin ang public transport sa Metro Manila sa gitna ng implementasyon ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Ipinaliwanag ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) regional director Zona Russet Tamayo, nasa 97.18 porsyento ng mga nakarehistrong public utility jeepney ang nakapag-consolidate na ng prangkisa sa Metro Manila noong 2023.
Aniya, mahigit na sa 70 porsyento ng transport franchise ang naka-consolidate na sa buong bansa.
National
ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok
“I’d like to go beyond po doon 70-30 percent, because we have to consider if iyong 70 percent would already be sufficient—I’m speaking for NCR (National Capital Region) po,” ani Tamayo.
“When we map out the routes in NCR majority po ng ating main thoroughfares ay may nag-consolidate or may mag-o-operate na transport, public transport po it’s in other modes perhaps buses, UVs and even jeepneys,” anang opisyal.
Kumpiyansa rin si Tamayo na hindi magkakaroon ng problemang hinggil sa public transport at kung sakaling magkaroon ay may nakahandang contingency plan ang ahensya.