Tila nanariwa sa alaala ng mga netizen, lalo na ang kanilang mga tagahanga at tagasuporta, ang muling pagkikita at pagpapa-picture nina Heart Evangelista at Jericho Rosales sa isang event na pareho nilang dinaluhan.

Bagama't pareho nang may asawa ang dating magkarelasyon at magkatambal sa ABS-CBN fantasy-action series version ng "Panday" noong 2005.

Ito na rin ang huling proyektong pinagsamahan ng dalawa bago tuluyang lumipat sa GMA Network si Heart.

Marami ang nakasaksi sa pagbebeso-beso ng mag-ex sa nabanggit na event na ginanap sa Solaire Resort noong Enero 12.

National

VP Sara, wala nang balak maging miyembro ulit ng gabinete; PBBM, nag-react

Endorser ng nabanggit na brand si Heart habang si Echo naman ay naimbitahang mag-perform.

Sa pag-uusisa naman ng media people ay sinabi ni Heart na good friends naman sila ni Echo at ilang taon na rin naman ang nakalilipas.

Sa kasalukuyan ay kasal si Heart kay Sen. Chiz Escudero habang si Jericho naman ay "fantastic" at "great" sa piling ni Kim Jones, nang mausisa sila ng press tungkol sa break-up rumors.

Pero kahit may mga asawa na, umaasam pa rin ang fans nila na sana raw ay "magkabalikan" sila kahit hindi na bilang couple, kundi kahit sa isang proyekto man, mapa-teleserye o pelikula.

"Mas bagay kayo, may mas sparks!"

"Reunion project please, ang lakas pa rin talaga ng chemistry n'yo!"

"Jericho the great love of Heart Evangelista."

"OMG they look good together."

"Sana naman magka-reunion project na itong dalawang ito."